-- Advertisements --
Patuloy ang paglikas ng mga residenteng malapit sa Semeru volcano sa silangan ng Java island sa Indonesia matapos sumabog ang naturang bulkan.
Nagbuga ang bulkan ng usok at abo kayat nagtakbuhan ang mga residente doon maging ang mga nasa kalapit na lugar kabilang na ang Lumajang district.
Sa ngayon, nagtatayo na ang mga otoridad doon ng evacuation tents na tutuluyan ng mga lumikas.
Wala namang naitalang pinsala sa mga bahay at gusali ang naturang pagsabog at walang namatay sa pag-alburuto ng bulkan.
Pero ayon kay Thoriqul Haq, district head ng Lumajang malapit sa Semeru, ang kalsada at tulay na nagdudugtong sa Lumajang at kalapit na siyudad ng Malang ay matinding napinsala.