-- Advertisements --

Maaring kasuhan ng paglabag sa Anti-Terror Law of 2020 ang mga pulitiko na sumusuporta at nagmamantini ng mga Private Armed Groups (PAGs) depende sa magiging sitwasyon o case to case basis.

Ito ang inihayag ni DILG Sec. Eduardo Ano, matapos makipag pulong sa mga opisyal ng AFP, PNP at LGUs sa Western Mindanao, Eastern Mindanao at BARMM kaugnay sa presensiya ng mga Private Armed Groups.

Ayon kay Ano, bukod sa anti-terror law marami pang mga batas na pwedeng isampa laban duon sa mga kandidato at pulitikong gumagamit ng PAGs.

Dahil dito, ngayon pa lamang kumikilos na ang National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups para mabuwag na ang mga armadong grupo na nagiging aktibo sa panahon ng halalan.

Target ng Task Force mabuwag PAGs bago ang 2022 national election sa buong bansa hindi lamang sa Mindanao.

Layon din nila na mapigilan ang mga kandidato na magkaroon ng pagkakataonna bumuo ng unuthorized security groups.

Sa tala ng task force, ang Western Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinaka maraming private armed groups na nag-ooperate.

Batay sa datos ng Directorate for Police Operations Western Mindanao nasa 18 active private armed groups ang kanilang binabantayan at nasa 126 naman ang potential private armed groups.

Hinimok naman ni Ano ang publiko na agad ireport sa mga otoridad kung mayruon silang namomonitor na mga kandidato at elected officials ang nagmamantini ng PAGs.

Samantala, nasa proseso na rin ang task force sa pagtukoy sa mga pulitiko na may kaugnayan sa private armed groups.

Ayon sa kalihim sa ngayon wala pa naman silang namomonitor na mga elected officials na nagmamantini at kumakanlong ng PAGs dahil walang show caused order na inilabas ang DILG.

Dahil nalalapit na ang halalan, posibleng magiging aktibo na rin ang mga armadong grupo dahil isa ito sa ginagawang gatasan ng pondo ng ilang mga unscrupolous individuals at mga traditional politician na tinatakot para manahimik ang kanilang mga kalaban at tumataas ang kaso ng karahasan sa panahon ng halalan.

Pinalakas pa ng AFP at PNP ang kanilang kampanya laban sa PAGs, ngayon pa lamang tinutukoy na ang mga itinuturing na hotspots area ng sa gayon makapag deploy na ng karagdang tropa sa lugar.

Maari pa naman makapag request ng security escort ang mga kandidato, subalit limitado lamang ito sa dalawa at kung may banta talaga sa kaniyang buhay.
Binabantayan na rin ng militar at pulisya ang posibleng pagtaas ng kaso ng kidnappings na ginagamit ng ilang politician bilang kanilang source of funds.