Kinumpirma ni PNP (Philippine National Police) chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na isasailalim sa refresher training ang mga pulis sa Jolo, Sulu.
Ito’y may kaugnayan sa nangyaring Jolo fatal shooting na ikinasawi ng apat na Army officers.
Ayon kay Cascolan, mahalaga na maisalang muli sa law enforcement trainings ang mga pulis sa Sulu na isasagawa sa susunod na lingo.
Inaayos din aniya ng PNP ang mas maganda pang ugnayan sa pagitan ng militar tuwing magsasagawa ng operasyon.
Siniguro naman ng bagong PNP chief na palalakasin pa ang kanilang ugnayan sa Armed Forces of the Philippines at pananatilihin ang kanilang magandang relasyon para hindi na maulit ang nasabing shooting incident.
“Magkakaroon kami ng mga unit training within the area of Jolo so that we would be able to refresh our PNP with regard to our law enforcement activity,” wika ni PNP Chief Gen. Cascolan.
Sinampahan na ng kasong administratibo ang mga pulis na sangkot sa Jolo shooting na sina: Senior Master Sgt. Abdelzhimar Padjiri; Master Sgt/ Hanie Badiiri; SSgt. Iskandar Susulan; SSgt. Ernisar Sappal; Cpl. Sulki Andaki; Pat. Moh. Nur Pasani; SSgt. Almudzrin Hadjaruddin, Pat. Alkajal Mandangan at Pat Rajiv Putalan.
Ang mga nasabing pulis ay kasalukuyang nasa restrictive custody sa Kampo Crame.