-- Advertisements --

Pumanaw na ang actor na si Malcolm-Jamal Warner sa edad na 54.

Ayon sa kaanak nito, nalunod ang actor habang sila at ang pamilya nito ay nagbabakasyon sa Costa Rica.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, lumalangoy ang actor sa Playa Grande ng bigla itong hinila ng water current pababa.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito umabot.

Nagsimula si Warner sa kaniyang acting career noong ito ay edad 9 pa lamang kung saan lumabas ito sa ilang mga tv show sa US.

Nakasama siya sa Bill Cosby show mula 1984 hanggang 1992.