CAUAYAN CITY – Mahigit isang libo ang nagtungo kahapon sa Bayanihan Kennedy Town Centre sa Hong Kong upang lumahok sa unang araw ng pagsasagawa ng overseas absentee voting na magtatapos sa ikasiyam ng Mayo.
Iniulat ni Bombo international news correspondent MJ Lopez, OFW sa Hong Kong na karamihang overseas Filipino worker sa Hong Kong ay Linggo ang day-off kaya’t kinuha nila ang pagkakataon para bomoto.
Dahil anya sa sobrang haba ng pila at hindi na nasusunod ang social distancing ay napansin ito ng mga police sa Hong Kong kaya’t sila ay nagbantay.
Pinigilan at hinarang ng mga pulis ang mga OFW na nagtutungo pa sa lugar upang bomoto at pinakiusapang gawin na lamang sa ibang araw ang pagboto dahil sa sobrang haba na ng pila.
Nagbigay din anya ng resolution ang Phil. Consulate sa mga amo ng mga OFW na bigyan ang kanilang mga empleyado ng ibang araw maliban sa Linggo upang lumahok sa overseas absentee voting.