-- Advertisements --

Sumailalim na sa inquest proceedings ang tatlong kapulisan mula sa Baliwag City Police station.

Ang nasabing mga kapulisan ay inireklamo dahil sa maling tao ang kanilang inaresto.

Ayon sa Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3) na ang mga ito ay nahaharap sa mga kasong physical injuries, unjust vexation, grave coercion, slander by deed at attempted kidnapping.

Inihahanda na rin ng National Police Commission ang kasong administratibo laban sa mga kapulisan.

Magugunitang nilapitan nila ang isang negosyante mula sa Barangay Tangos ng mga nagpakilalang pulis kung saan pinipilit siyang isakay sa isang sasakyan.

Bigla na lamang sila umalis ng malaman na maling tao ang kanilang aarestuhin.

Sinabi naman ni PRO-3 Director Brig. Gen. Jess Mendez na ang pagsasailalim sa inquest proceedings laban sa mga inireklamong pulis ay nagpapatunay na seryoso sila sa pagpapatupad ng paglilinis sa mga kapulisan.