-- Advertisements --

Naglabas ng bagong direktiba si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na babawian ng mga service firearm ang mga pulis na babagsak sa proficiency standards sa pagpapaputok ng kanilang baril.

Ito ang naging babala ng hepe matapos na ianunsyo sa isang panayam ang nakatakdang eksaminasyon para sa mga pulis sa susunod na buwan.

Aniya, sisimulan ang naturang pagsusulit mula sa mga top leadership position hanggang sa mga patrolman.

Sa isang punto sa panayam, pabiro niyang inihayag na papalitan niya ng bolo ang mga service firearms ng mga pulis na hindi papasa sa proficiency test.

Samantala, magiging pamantayan na rin ng PNP para sa mga promosyon ang marksmanship ng nga pulis maliban sa mga naunang direktiba na paramihan ng naaresto at pagiging physically fit ng kanilang hanay.