-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Agusan del Sur Governor Santiago Cane Jr. na nasa 97.25% na ang kabuu-ang completion rate ng mga playing venues na gagamitin sa nalalapit na Palarong Pambansa 2026.

Ayon sa gobernador, halos tapos na ang preparasyon para sa mga playing venues at mga billeting areas para sa palaro na gaganapin sa Agusan del Sur ngayong buwan ng Mayo.

Dagdag pa ng opisya, patuloy din ang pagdatingan ng mga kinakailangang kagamitan para sa mga pasilidad na ida-dry run upang matiyak ang matiwasay na operasyon at kahandaan sa bawat-playing venue bago ang opisyal na pagbubukas nito ngayong May a-24.

Sa ngayo’y positibo umano ang lahat ng indikasyon na magiging matiwasay at magtatagumpay ang overall preparations para sa nasabing sporting event.

Inaasahan naman na darating ang unang batch ng mga delegasyon sa Mayo a-13 hanggang sa mismong araw ng opening nito.