Pinag-iingat ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta ang mga Filipino matapos ang magkakasunod na bomb threat sa mga establishimento.

Sinabi nito na ang nasabing abiso aniya ay mula sa Russian Federation.

Ilan sa mga nakatanggap na bomb threat ay ang mga public transport, shopping mall, korte at iba pang mga lugar.

Kahit aniya na ito ay peke ay mas mabuti aniya na maging maingat na lamang ang mga Filipino.