-- Advertisements --

Umabot na sa 12,446 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing bilang ay bunsod ng bagong 96 na nadapuan ng nasabing virus.

Aabot na rin sa 8,069 ang gumaling na rin na mga Filipino mula sa ibang.

Habang nananatiling 861 ang bilang ng nasawi matapos dapuan ng COVID-19.

Nananatiling ang Middle East at Africa sa mga bansa na mayroong mataas na bilang ng mga Filipino na nadapuan ng virus.