NAGA CITY – Nagpapasalamat ngayon ang ilang mga Pinoy na ligtas ang mga ito at walang mga Pilipino ang nadamay sa pagdiskaril ng train sa Hualien County, Taiwan.
Sa report ni Bombo International Correspondent Miradhel Tiongson Flores, mula sa Taichung, sinabi nito na maswerte na lamang umano na hindi sa araw ng Linggo nangyare ang insidente.
Ayon kay Tiongson, karamihan umano kasi sa mga Pinoy rito ang nagtutungo sa Taroko National Park na isa sa dinarayo sa naturang lugar.
Kung saaan isa rin ito sa rota ng naturang express train na bumabyhae sa Taipei – Taitung route.
Nabatid na dahil sa hindi naman holiday at kasalukuyang nasa trabaho pa ang mga ito kung kaya walang nadamay na mga Pinoy sa nasabing insidente.
Kung maalala, umabot na sa mahigit 50 katao ang idineklarang binawian ng buhay mula sa 490 na pasahero.
Samantala kasalukuyan namang naka half-mast ang watawat sa Executive Yuan kaugnay sa pagpapaabot rin ng pakikiramay sa mga nasawi.
Sa ngayon dasal nalamang umano ng ating mga kababayang pinoy ang katahimikan at mabilis na paggaling mga nakaligtas sa naturang trahedya.