Karamihan sa mga PBA teams ay kumukuha na ng mga permits sa mga local government units para sila ay makapagsimula na ng ensayo sa National Capital Region (NCR).
Kasunod ito na ng paglalagay ng gobyerno sa general community quarantine ang National Capital Region, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial na mayroon ng anim na koponan ang humingi na sa kaniya ng endorsement letters para sa mga LGU na kanilang napili para doon isagawa ang pagsasanay.
Lahat aniya ng mga koponan ay masaya sa nasabing pagpapababa ng gobyerno ng quarantine level ng NCR at mga karatig na lugar.
Bukod aniya sa mga permits ay kailangan pa rin na sumailalim sa swab testing ang manlalaro at mga staff ng koponan para matiyak na hindi magkakahawaan ng COVID-19.
Sa kasalukuyan ay pinaplano pa rin nilang magsimula ang 46th season ng PBA sa buwan Hunyo.