-- Advertisements --

(DEVELOPING STORY) Nabulabog ang mga doktor at pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) sa lungsod ng Maynila dahil sa apoy na sumiklab sa naturang ospital.

Base sa inisyal na impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region, nagmula ang naturang sunog sa third floor ng building na umabot sa first alarm dakong alas-12:41 ng madaling araw.

Base sa mga videos at larawan sa social media, makikita na ilang mga pasyente at doktor ang dali-daling lumalabas ng ospital.

Itinaas sa second fire alarm ang naturang sunog bandang alas-12:58 ng madaling araw.

Sa isang social media post, sinabi ni Senator Richard Gordon na tumulong na rin ang Philippine Red Cross sa pag-apula sa sunog na itinaas sa ikatlong alarma bandang alas-2:20 ng umaga.

Ayon kay Gordon, nagpapadala siya ng dalawang fire truck at apat na ambulansya para tumulong sa pag-apula ng apoy at para magbigay din ng first aid.

Naka-standby naman aniya ang iba pa nilang mga ambulansya at water tankers.

Nabatid na bandang alas-2:46 ng umaga nang idineklarang under control na ang naturang sunog.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye hinggil sa naging sanhi ng sunong, gaano ka lala at magkano ang iniwang danyos nito.

Mababatid na ang PGH ang siyang pinakamalaking COVID-19 referral hospital sa bansa.