CAUAYAN CITY- Nakiisa pa rin ang mga mananampalataya ngayong Linggo ng o Palaspas Palm Sunday.
Maliban sa mga mananampalataya ay may mga nagtitinda ng palapas sa harapan ng Our Lady of the Pillar Parish Church sa Cauayan City.
Ayon sa ilang nakapanayam ng Bombo Radyo Cauayan kabilang si Ginang Debi Domalanta, nagtitinda ng palaspas sinabi niya na marami ang mga nagtungo sa kanilang pwesto para bumili ng palaspas.
Kumpara anya noong nakaraang taon na sumailalim ang Luzon wide lockdown ( ECQ) ngayong taon ay nabigyan sila ng pagkakataon na muling makapagbenta ng palaspas at magtungo malapit sa simbahan para magtinda .
Kung ikukumpara anya ang kanilang nabenta noong wala pang pandemya ay mas di hamak na malakas kumpara ngayong may pandemiya.
Samantala, ‘Ang kahalagahan ng Linggo ng Palaspas ay ang ating pag-angkin sa paghahari ni HesuKristo sapagkat ang palaspas ay tanda ng pagbibigay pugay sa kanyang pagiging hari sa niya pagpasok sa Herusalem’
Ito ang binigyang diin sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Father Vener Ceperez, Social Communications Director ng Diocese of Ilagan at kuraparoko ng Saint Anthony Padua Church sa Reina Mercedes, Isabela.
Anya, ginagawa ang Linggo ng Palaspas upang alalahanin ang pagpasok ni Jesus sa Herusalem kaalinsabay ang pagbabasa ng mga ebanghelio ukol sa paghihirap ni HesuKristo.
Ito rin ang simula ng isang linggong mahal na araw kung saan sa Sabado ng Gabi ay sisimulan ang panibagong Liturhiya na Easter Vigil .
Ang Easter Vigil ay ang pagbibigay pugay sa pagkabuhay ni HesuKristo.
Ang pagbabasbas ng palaspas ay upang maghari si HesuKristo sa ating tahanan bilang isang mananampalataya.
Samantala, inihayag ni Father Ceperez na sa panahon ng Semana Santa ay mahalaga ang katahimikan para sa pagninilay-nilay sa buhay ni Kristo.
Kinakailangang balikan natin ang kuwento ng buhay ni Kristo, kung paano nito tinubos ang sangkatauhan sa mahal na pamamaraan sa pamamagitan ng pag-aalay nito ng buhay.
Mahalaga anyang mamasyal sa iba’t ibang simbahan ngunit dahil sa pandemya ay maaaring magbasa na lamang ng ispirituwal na aklat at pagdarasal.
Tuloy din anya ang kanilang Crism mass kung saan binabasbasan ang langis na ginagamit sa binyag, kumpil at sa mga maysakit na dadaluhan lamang ng mga pari.
Magiging simple naman ang iba pang mga aktibidad tulad ng paghuhugas ng paa at Stations of the Cross ngunit walang prusisyon ang mga mananampalataya.