-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinapalayas na lamang sa puwesto ni dating ACTS OFW Party-list Rep. John Bertiz ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor & Office (POLO) sa Kuwait kung hindi maayos na mababantayan ang mga pang-aabuso laban sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Bago pa man aniya mabatid ang pamamaslang sa domestic helper na si Jeanalyn Villavende, marami nang nagrereklamo sa pang-aabuso ng ilang Kuwaiti employers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bertiz, mistulang hindi gumamagalaw ang mga nasabing opisyal na malinaw na bigong sumunod sa mandato.

Nasasayang lamang aniya ang gastos ng pamahalaan sa mga taong hindi naman totoong nakakapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga umaasang OFW.

May existing agreement din kaya dapat lang aniya na silipin ng POLO officials ang mga paglabag sa vulnerable sector, mula sa recruitment agencies ng mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad.

Kailangan din daw ng Department of Labor and Employment na lumikha ng mga programa upang hindi na mangibang-bansa ang ilang kababayan upang maghanap ng sapat na kita para sa pamilya.