ILOILO CITY – Nabakunahan na laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mga ospisyal at empleyado ng flagship station ng Bombo Radyo Philippines.
Ang pagpapabakuna ay pinangunahan mismo ng Chairman ng Florete Group of Companies na si Dr. Rogelio M. Florete at maybahay ni Dr. Florete na si Mrs. Imelda Caperonce Florete.
Maliban dito, nagpabakuna rin sina Director Enrico Jacomille at Bombo Warren Lopez French, Assistant Vice President ng Bombo Radyo Philippines at mga empleyado at anchormen ng Bombo Radyo Iloilo na sina Bombo Cham Jover at Bombo Richard Esposo.
Ayon kay Bombo John Felco Talento, Assistant Station Manager ng Bombo Radyo Iloilo, na isa rin sa mga nagpabakuna, sinabi nito na nais nilang maging ehemplo sa pamamagitan ng pagsagot sa panawagan ng gobyerno na magpabakuna laban sa COVID-19.
Napag-alaman na nagdonate ang Florete Group of Companies ng P1 million para sa inoculation sa Lungsod ng Iloilo.