-- Advertisements --

Ipinahayag ni dating Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Investigator at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanyang pagdadalawang isip ukol sa executive session ng ICI matapos mag-request ang ilang mga personalidad, kabilang si House Majority Leader Sandro Marcos, sa gitna parin ng mga imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon sa Alkalde, ang paghingi ng closed-door session ay nakapagdudulot ng tanong sa kredibilidad ng testimonya at ng proseso ng komisyon.

Iginiit din niyang limitado ang kapangyarihan ng ICI dahil wala itong contempt powers, dahilan para maging para lamang umanong “usapan sa janitor” ang mga pagdinig.

Nadismaya rin si Magalong sa paulit-ulit na pagsasabi ng ilang iniiimbestigahan na “wala silang alam,” sa kabila ng bilyun-bilyong pisong nawala sa proyekto.

Matatandaan na unang naghain ng resignation si Magalong noong huling bahagi ng Setyembre, ilang lingo lamang matapos siyang italagang special adviser at investigator ng ICI.