-- Advertisements --

Pinangunahan ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club at Lady Eagles Club ang pagbibigay ng Serbisyo Publiko sa ating mga kababayan OFW sa Hong Kong- Kasabay ng pagdriwang ng NATIONAL HEROES DAY sa Pilipinas para sa mga BAGONG BAYANI -OFW sa Hong Kong.

Ang nasabing aktibidad na tinawag nilang FREE GLUCOSE SUGAR -URIC ACID at BLOOD PRESSURE TEST na ginanap sa sa 18th Floor OWWA Global Center -Admiralty Hong Kong- nitong August 24, 2025- sa maayos na pakikipagtulongan at koordinasyon kay OWWA Welfare Officer Madam WelOf Marilou M. Sumalinog ng PCG-OWWA Hong Kong.

Ang nasabing Eagles Club ay nagbigay libreng programa sa pamamagitan ng libreng examination. Ito ay naisagawa sa pangunguna ng Club President na si Marlon Pantat De Guzman at Lady Eagle President Angel Movilla sa tulong na din ng mga Aplikante na ngayon pa lang ay sinasanay na sila kung ano ang gawain ng isang Agila.

Ang nasabing serbisyo publiko sa ating mga kababayan OFW sa Hong Kong ay ginagawa ng mga Bagong Bayani Eagles Club buwan-buwan na bahagi ng kanilang sinumpaan tungkulin sa The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated na naitatag nonng 1979 sa Pilipinas na may adhikain ng tumulong sa sangkatuhan sa pamamagitan ng pinalakas na kapatiran.

Muli naman nagpa alala ang mga Club Presidents ng BAgong Bayani Executive Eagles Club na ang pagpasok sa Agila ay may kaakibat na obligasyon at ito ay ang pagtulong sa kapwa tao na walang hinihiling na anoman kapalit at muling nagpa alala na kung hindi magagampanan ang tungkulin na ito at gagamitin lamang ang salitang pagiging Agila sa personal na kasikatan at hangarin ay marapat lamang na pag isipan munang mabuti ang pagsali sa Agila bago pa masabing hindi kapaki- pakibang sa maayos at desenteng samahan ng Agila.