-- Advertisements --

LA UNION – Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan ng mga overseases Filipino Workers na stranded sa bansang Malaysia na ngayon ay naka-lock down dahil sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Arnelia Galvez, tubong San Fernando City, La Union at kasalukuyang naninirahan sa nasabing bansa, sinabi nito na mahirap ang kalagayan nila doon dahil sa ipinapatupad na lock down.

Ayon kay Galvez, may mga kababayang Pilipino rin doon ang nawalan ng trabaho.

Dahil dito, tinutulungan nila ang kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangunahing pangangailangan habang nasa kalagitaan ng krisis.

Samantala, nagbibigay naman ng ayuda ang Malaysian Government sa mga naninirahan.

Sabi ni Galvez, sa halip na pagkain ay pera ang ipinagkakaloob na tulong ng pamahalaan.

Ang bawat pamilyang kwalipikado sa subsidiya ay bibigyan ng 1,600 Malaysian Ringit o katumbas ng halos P20,000.