Tiwala ang FIBA na makakalahok ang ilang sikat na NBA players sa Tokyo Olympics.

Sinabi ni FIBA Secretary General Andreas Zagklis, na nakipagpulong na sila sa NBA at NBA players association para hikayatin ang mga ito na lumahok sa Olympics.

Gayunman, naiintindihan niya ang kalagayan ng NBA dahil ilang araw lamang ang lilipas ng pagtatapos ng 2020-2021 season bago naman ang pagsisimula ng Tokyo Olympics.

Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing malaking torneyo nitong taon dahil sa pananalasa ng COVID-19.