-- Advertisements --

Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga namatay matapos manalasa ang bagyong Paeng sa bansa noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa dating bilang na 155 ay naging 156 na ito.

Nasa 141 na katao na naman sugatan habang nanatiling missing ang 37 katao.

Ang pinsala sa imprastraktura ay lumobo na sa P4.3 billion, habang ang agricultural damage ay nasa P3.08 billion.

Sa 1 million na apektadong mga Pinoy, papalo pa sa 954 individuals ang nasa evacuation centers.