-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Bahagyang bumaba ang bilang ng mga indibiduwal na nagtungo sa mga registration center ng COMELEC Isabela ilang araw bago ang deadline para sa pagpaparehistro.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo, Provincial Election Officer ng COMELEC Isabela sinabi niya na sa kasalukuyan ay nasa 6,900 ang nagpaparehistro na kanilang naproseso pagpasok ng huling linggo ng Setyembre.

Aniya bagamat manageable ang naturang bilang kapansin-pansin na mababa ang naturang bilang kung ikukumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Atty. Castillo sa mga nakalipas na taon ay mapapansin ang pagdagsa ng mga botante na magpaparehistro bago ang deadline na itinakda ng COMELEC.

Muli namang nilinaw ni Atty. Castillo na bukas ang mga Comelec Offices hanggang 7:00pm gayundin na bukas rin ang mga tanggapan tuwing araw ng sabado.

Kapansin pansin rin na mas mababa ang bilang ng mga nagaparehistro tuwing araw ng Sabado sa mga nagpaparehistro pag Weekdays.

Sa kabila naman ng mababang bilang ngayon ng mga nagparehistro ay wala namang natatanggap na request ang COMELEC Isabela sa pagpapalawig sa araw ng voters registration.

Pansamantala ring ipagpapaliban ng COMELEC Isabela ang pagbibigay ng voters certificate dahil sa mababang voters registration at bilang paghahanda na rin sa nalalapit na paghahain ng COC.