-- Advertisements --

Naabot na ng China ang pagpapabakuna ng 1 bilyon doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa National Health Commission na noong Sabado ay mayroong 20.2 milyon doses ang kanilang naiturok sa mga mamamayan at nitong Linggo ay naabot na nila ang 1.01 bilyon na nabakunahan.

Noong nakaraang linggo kasi ay mayroong 20 milyon doses ang kanilang itinuturok sa kada araw mula sa dating 4.8 milyon doses noong Abril at 12.5 milyon doses noong Mayo.

Dahil sa nasabing bilang ay naabot na ng bansa ang herd immunity sa mahigit na 1.41 bilyon na populasyon ng China.

Inanunsiyo rin ng Beijing ang capital ng China na nabakunahan na ang 80 percents ng kanilang residente na may edad 18 pataas o katumbas ito ng 15.6 milyon katao.