Nanindigan sina Quezon City Rep. PM Vargas at CWS Party-list Rep. Edwin Gardiola na hangad in nila ang pawang katotohanan sa isyung bumabalot sa flood control project sa bansa.
Si Vargas nga ay boluntaryong humarap sa Independent Commission for Infrastructure at nagprisinta ng mga dokumentong nagpapatunay na sa kanyang distrito ay walang ghost project.
Ibinahagi rin nito ang ilang mga mahahalagang impormasyon upang makatulong sa imbestigasyon ng komisyon.
Nagpasalamat si Vargas sa pagkakataong iwasto ang mga paninira laban sa kanya.
Samantala, sinabi ni Gardiola na haharapin niya ang mga paratang sa tamang proseso at pagdinig na igagalang ang kanyang karapatan.
Unang lumutang ang pangalan ni Gardiola matapos akusahan ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste hinggil sa “pre-order” na ₱20 bilyong proyekto sa 2025 budget.
















