-- Advertisements --
mpc fvr
Former First Lady Amelita M. Ramos is flanked by former members of the Malacañang Press Corps who covered the activities of the Ramos Administration. (Photo courtesy of RPDEV)

Napuno ng tawanan at emosyon ang ikalawang gabi ng tribute para sa pumanaw na dating Pangulong Fidel Ramos sa Heritage Park, Taguig City.

Tampok kasi sa pagbibigay pugay kagabi ang grupo ng mga mamahayag lalo na ang ilang mga dating nagkober kay FVR na mga miyembro ng Malacanang Press Corps, Defense Press Corps at Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Inalala ng ilang mga veteran journalist kung paano naging masaya, labis na nakakapagod at ilang maaaksiyon na sandali kay FVR noong ito pa ay naging PC-INP chief, naging Defense secretary at noong presidente.

Karamihan sa mga kuwento ng ilang mamamahayag ay kung paano sinisimulan ni FVR ang araw niya na masyadong napakaaga at bibiyahe ng mga probinsiya na aalis ng Maynila na madilim pa, at ang napakahabang iskedyul sa buong araw.

Ilang insidente rin ng delikadong coverage na kinasangkutan ng disgrasya ng chopper at iba pa ang binigyan ng pagbabalik tanaw kung saan sa kabila nito ay nandoon pa rin ang pagiging “steady Eddie” at “no panic” ni FVR.

Nandiyan din ang hindi malilimutang pag-cover nila sa pangulo mula sa Palasyo hanggang sa mga pagbiyahe nito sa ibang bansa o mga state visits.

Itinuturing din ng mga ito ang pagiging workaholic ng pangulo at kahit na nababatikos ito ng mga mamamahayag ay nananatiling paborito pa rin nila ito.

Ilan sa nagbigay ng tribute ay ginawang halimbawa na walang pina-ban na reporter o pinasarang news agency.

Kabilang din sa nagkwento ay ang malapit kay FVR na dating presidential writer na si Jojo Terencio na sumulat ng libro na “Behind the Red Pen.”

Nahaluan naman ng katatawan ang ilang kuwento ng veteran broadcast journalist na si Tony Velasquez na ginagaya pa ang boses ni FVR.

Si Toby Nebrida naman ay ibinahagi ang inihahandang official website para sa FVR Legacy.

Samantala ang unang apo ni FVR na si CeeJay Sembrano, ay hindi napigilan ang maging emosyunal na magbahagi rin ng kanyang saloobin na napalapit ng husto sa kanyang lolo noong ito ay nabubuhay pa.

Narito pa ang mga schedule:

Saturday, August 6
7:00 am – 2:30 pm Veterans, Military, Law Enforcement, and the West Point Society
3:00 – 4:30 pm Rotary Club of Manila
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Sunday, August 7
7:00 am – 2:30 pm Public Viewing
3:00 – 4:30 pm “Ex-Men,” Campaigners, Former OP Executives, OPSOG, LAKAS Founders, and Close-in Staff
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Monday, August 8
7:00 am – 4:00 pm Public Viewing
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Tuesday, August 9
10:00 am – Inurnment at Libingan ng mga Bayani