-- Advertisements --

Lalo pang nabawasan ang lebel ng tubig sa mga malalaking dam sa bansa, sa kabila ng mga serye ng pag-ulan.

Sa report na inilabas ng state weather bureau ngayong araw, May 20, 2025, anim na dam ang nagrehistro ng pagbaba sa antas ng nilalamang tubig.

Kinabibilangan ito ng Caliraya Dam, Magat Dam, Pantabangan Dam, Sanroque Dam, Binga Dam, at Angat Dam.

Ang Magat Dam sa Northern Luzon ang nagrehistro ng pinakamalaking pagbaba ng antas ng tubig na umabot ng halos 40 sentimetro. Ang lima sa mga ito ay nagrehistro lang ng mahigit 20 centimeters.

Ang lebel ng tubig sa mga naturang dam ay pawang mas mababa na kumpara sa kani-kanilang normal high water level.

Samantala, napanatili naman ng Ipo Dam at La Mesa Dam ang lebel ng tubig ng mga ito, batay sa 24-hour monitoring ng weather bureau. Parehong hindi nabawasan ng tubig ang mga nabanggit na dam.