-- Advertisements --
Nakatutok ngayon si Pinay tennis star Alex Eala na makakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian Games (SEA) Games na gaganapin sa Thailand sa buwan ng Disyembre.
Dagdag pa nito na tuloy-tuloy ang kaniyang ensayo para sa nasabing torneo matapos ang ilang torneo na sinalihan niya na WTA tournament.
Noong 2022 SEA Games sa Hanoi, Vietnam ay nagkamit ang 20-anyos na si Eala ng bronze medal sa singles, team at mixed doubles.
Habang noong 2023 Asian Games sa Hangzhou ay bronze medal din ang kaniyang nasungkit.
Nagpahayag din ng kasabikan si Eala matapos na mabalitaan na pinaplano ng Pilipinas na magsagawa ng WTA tournament.
















