-- Advertisements --
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa mga mamamayan ng Thailand sa pagpanaw ng kanyang Kamahalan Queen Sirikit, na kilala sa kanyang malasakit, kabaitan, at matatag na ugnayan sa Pilipinas.
Sa isang pahayag sinabi ng Pangulong Marcos na lubos nitong ipinagdaramdam ang pagnaw ni Queen Sirikit ng Thailand.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa gitna ng panahon ng dalamhati, nakikiisa ang sambayanang Pilipino sa panalangin para sa Pamilyang Maharlika ng Thailand at sa buong bansang Thai.
Batay sa ulat ng Thai Royal Household Bureau nitong Sabado, pumanaw na sa edad na 93 si Queen Sirikit, na nagbigay ng karangyaan at gilas sa pagbabangon ng monarkiya ng Thailand matapos ang digmaan.
















