-- Advertisements --

Lubos ang pasasalamat ng actor na si Derek Ramsay matapos na makalabas sa pagamutan ang kaniyang magulang dahil sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Sa kaniyang social media account na nagpost ito ng screenshot ng conversation sa pagitan nila ng ama.

Makikita na masaya ang actor ng ibalita sa kaniya ng ama na makakalabas na ito sa pagamutan.

Nagpasalamat siya sa Maykapal at sa mga frontliners na nag-asikaso sa magulang nito habang nasa St. Luke’s Hospitals.