-- Advertisements --

Maaari nang magbenta ang mga magsasaka sa bansa ng kanilang mga aning palay sa National Food Authority.

Ito ay dahil sinimulan na ng ahensya ang pagbili ng naturang produktong sa mataas na presyo nito.

Kung maaalala, kamakailan ay inilabas ng NFA Council ang kaukulang buying price ng palay.

Maaaring ibenta ng mga magsasaka ang kanilang aning wet Palay sa halagang ₱17-₱23 kada kilo mula sa dating presyo na ₱16-₱19.

Mataas naman ang bentahan para sa dry palay na aabot sa ₱23-₱30 mula sa dating ₱19-₱23.

Layon ng nasabing hakbang na matulungan ang mga magsasaka na tumaas ang kanilang kita at mahimok ang mga ito na ibenta sa gobyerno ang kanilang mga ani sa halip na sa mga trader na nangbabarat ng presyo.

Ayon naman kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., makatutulong rin ito upang mapataas ng NFA ang kanilang buffer stock na siya namang ipinapamahagi ng ahensya tuwing may mga kalamidad at sakuna.