-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay ang mga lokal opisyal sa probinsya ng Cotabato sa pamilya ng mga nasawing sundalo at sibilyan sa pagbagsak ng C-`130 Plane sa Patikul Sulu.

Sa pahayag ni Cotabato Vice Governor Emmylou Lala Taliño-Mendoza, ang mga nasawi at sugatang sundalo sa naturang plane crash ay maituturing na bayani dahil nangyari ito na sila ay in line of duty’.

Ani VG Mendoza, isa itong dagok sa ating mga Pilipino.

Nagpahayag din ng pakikiisa sa pagluluksa, kasama ng kaniyang pamilya, si Senior Board Member Shirlyn Neneng Macasarte-Villanueva sa mga namayapang bayaning sundalo.

Sinabi ni BM Macasarte na hindi matatawaran ang kabayanihan, sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalong nagsisilbi sa ating bayan.

Mababatid na 50 katao ang nasawi dahil sa pag-crash ng Philippine Air Force C-130 plane sa Patikul, Sulu.

47 sundalo at tatlong sibilyan ang nasawi sa trahedya, habang 49 iba pang sundalo ang na-rescue at ginagamot na sa ospital.

Matatandaang nag take off ang C-130 na mayroong tail number 5125 mula Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City kahapon at lalapag na sana sa Jolo port sa Sulu nang mag-crash ito.