-- Advertisements --

Ibinasuran ngayon ng Makati Prosecutor’s Office ang pinagsama-sama o consolidated complaints laban sa mga isinasangkot sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong nakaaraang taon.

Base sa resolusyon na mayroong petsang Enero 30, ang kasong pag-administer ng illegal drugs na isinampa laban kay Mark Anthony Rosales na isa sa mga kasamahan ni Dacera noong nakaraang Bagong Taon ay ibinasuran dahil sa kakulangan ng ebidensiya kasunod na rin nang pag-negtibo ng biktima sa illegal drug use.

Absuwelto na rin ang kasamahan ni Rosales na si Rommel Galido dahil umano sa tangkang paghahatid ng iligal na droga.

Maliban kay Rosales at Galido, absuwelto rin si John Pascual Dela Serna, Gregorio Angelo Rafael De Guzman, Jezreel Rapinan, Alain Chen, Reymar Englis, Darwin Joseph Macalla at ang kanilang abogadong si Atty. Neptali Maroto sa reklamong obstruction of justice.

Ipinunto rito ng korte na pinoprotektahan lamang raw nila ang kanilang karapatan na salig sa batas.

Ang reklamo naman ng falsification laban kay medico-legal officer Police Major Michael Nick Sarmiento ay ibinasura rin.

Si Galido, Dela Serna at Macalla na kinasuhan dahil sa perjury ay absuwelto rin.

Ibinasura rin ng korte ang kasong reckless imprudence resulting in homicide na isinampa laban kina Dela Serna, Rapinan, Chen, at Louis de Lima dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Hindi raw napatunayang sila ay recklessly imprudent dahil sa kabiguang agad dalhin sa pagamutan ang flight attendant para sa medical attention na siyang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala, ibinasura rin ng korte ang kontra demanda laban sa ina ni Dacera na si aling Sharon na illegal detention, arbitrary detention, unlawful arrest, perjury, grave coercion, libel, slander at cyberlibel.

Kasama pa sa mga naabsuwelto sa panig ni Dacera ang kasamahan ni aling Sharon at pinsan nitong si Katherine Anne Facelo, kaibigang doctor na si Marichi Ramos, family lawyer Brick Reyes at Makati police officers PCpl. Louie Lopez at PSSg. Jun Alimurong dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya.

Ang reklamong incriminating innocent person, intriguing against honor at malicious prosecution laban sa kanila ay ibinasura rin dahil sa kakulangan ng merito.

Samantala, ibinasuran rin ang falsification complaint na isinampa ng mga kasamahan ni Dacera laban sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na sina Vicente de Guman at Zulikha Marie Conales-Dagomo.

Naging hatol dito ng korte ang kawalan umano ng proof o evidence na ang kanilang narrations sa kaso ay ginawa dahil sa wrongful intent para makapanakit/

Kung maalala, Enero 1 noong nakaraang taon nang matagpuang patay si Dacera sa kanyang hotel room sa Makati.

Noong Abril 2021, una nang ibinasura ng Makati City prosecutor’s office ang rape at homicide complaints laban sa mga kasamahan ni Dacera dahil sa kakulangan ng “probable cause.”