-- Advertisements --
NOEL REYES
DA Spokesperson Noel Reyes

Hinikayat ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na i-report sa kinauukulan kung may mga namatay na baboy sa kanilang mga lugar.

Kasunod na rin ito ng napabalitang mayroong suspected swine disease sa tatlong barangay sa Rodriguez, Rizal partikular sa San Isidro, San Jose at Macabud.

Sa ipinatawag na press conference ni DA Spokesperson Noel Reyes, tiniyak nitong safe ang lahat ng mga karneng baboy na makakarating sa merkado sa gitna ng pangamba ng sinasabing swine disease.

Tiniyak din ng opisyal na controled at contained nila ang sitwasyon.

Pero nilinaw naman ni Reyes na hindi pa natukoy ang sinasabing sakit na dumapo sa mga baboy sa Rizal province.

Sa ngayon, patay na raw ang lahat ng mga baboy na nasa one kilometer radius ng mga barangay at ipinagbabawal na rin ang paglalabas ng mga baboy na nasa seven kilometer radius.

Mayroon namang mandatory report na kailangan isumite ang mga nagmamay-ari ng baboy na nasa 10 kilometer radius.

rodriguez rizal swine asf

“Affected backyard swine farmers said their pigs showed loss of appetite, recumbency, vomiting, skin hemorrhages, dark discoloration in the extremities, and sudden death,” bahagi ng statement ng DA. “DA-BAI experts said several diseases can be associated with said clinical signs. Thus, further confirmation is needed from a recognized foreign reference laboratory in Europe. We expect to receive the results at the earliest, in two weeks, or at the latest, three months.”