-- Advertisements --

Pumalo na sa 4,785 ang bilang mga ng mga kapulisan sa bansa na nadapuan ng coronavirus.

Ito ay matapos magtala ng panibagong 223 na bagong kaso ng virus.

Sa nasabing bilang ay 96 sa bagong kaso ay mula sa National Operational Support Unit, 61 naman ay mula sa Police Regional Office III, 19 mula sa National Capital Region Police Office, 14 mula sa PRO IV-A at National Headquarters, maging sa National Administrative Support Unit, anim mula sa PROV at apat sa PRO VI.

Kasalukuyan nang naka-quarantine ang mga pulis na nadapuan ng virus.