Hong kong protests rallies 1
Hong Kong

NAGA CITY- Nagpapagaling pa umano ang ilang mga kagawad ng media na tinamaan ng water Cannon ng mga otoridad sa Hong Kong.

Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong nandun aniya sila sa lugar dahil sa nangyaring kilos protesta noong nakaraang araw.

Matapos aniyang mag-alisan ang mga tao, naiwan sila sa lugar subalit nagulat na lamang aniya sila ng biglang dumating ang mga otoridad at pinatamaan sila ng water cannon.

Ayon kay Sadiosa may halong pepper spray ang tubig kung kaya mahapdi sa balat.

Kung maaalala, kahit na humingi na ng tawad si Hong Kong leader Carrie Lam hinihingi pa rin ng mga tao na isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga pulis na responsable sa pang-aatake sa mosque at simbahan sa Hong Kong.