-- Advertisements --

Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng kanilang command center ang mga ibat ibang kaganapan sa huling SONA ni Pang Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Command Center Deputy Director Col Jerry Protacio, naka deply sa ibat ibang strategic locations ang kanilang mga CCTV habang suot din ng mga pulis ang kanilang mga body worn cameras.

Paliwanag ni Protacio real time ang kuha ng mga videos at kung may mga untoward incidents na posibleng mangyari sa isang lugar agad ito mare respondehan ng mga pulis.

Ipinakita ni Col Protacio sa media ang latag ng kanilang monitoring.

Una ng sinabi ni QCPD Director BGen Antonio Yarra nasa 9000 police personnel ang kanilang idiniploy bukod pa sa mga augmentation force at force multipliers.

Ayon kay Yarra nasa mahigit 40 plus na mga body worn cameras ang kanilang idineploy.

Aniya, nakalatag na rin ang kanilag seguridad sa labas ng batasan, at mahigpit nilang binabantayan ang border ng Quezon City partikular ang area ng Rizal at Marikina.

Naka standby na rin ang mga tauhan ng QCPD Civil Disturbance Management Team.

Tinatayang nasa 3,000 hanggang 5,000 na mga rallyista ang inasaahan nilang magsagawa ng kilos protesta.

Kanina personal na nagsagawa ng inspection si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga pulis na naka deploy sa may batasan area para tiyakin ang kanilang kahandaan.