Daang-daang mga kabbabaihan na nakasuot ng kulay rosas ang nag-protesta sa Jakarta, Indonesia nitong Miyerkules bilang pagtutol sa karahasan ng pulisya at mga labis na benepisyo ng mga mambabatas.
Bitbit pa ng mga ito ang mga walis, na sumisimbolo sa panawagang ”walisin ang dumi ng estado” at ang supulin ang pwersa ng seguridad.
Dala din nila ang mga placard na may mnensaheng tulad ng “Reform the police” at “Your sweet promises cause diabetes”.
Ayon sa Alliance of Indonesian Women, layunin ng kilos-protesta na ipakita na ang karamihan sa mga demonstrasyon ay mapayapa.
Magugunitang sumiklab ang mga protesta sa bansa matapos masagasaan ng pulis vehicle ang isang food delivery moto-driver noong nakaraang linggo, na naging mitsa ng mas malawak na kilos-protesta sa buong bansa.
Ayon sa mga grupo ng karapatang pantao, 10 katao na ang nasasawi dahil sa patuloy na pag-siklab ng kaguluhan sa bansa.
Samantala, tumungo naman si Indonesian President Prabowo Subianto patungong China upang dumalo sa isang military parade.
Una niya na itong kinansela dahil sa kaguluhan, ngunit itinuloy nang makita umanong “bumabalik na sa normal” ang sitwasyon.
Sa ngayon nag-iimbestiga na ang National Commission on Human Rights, habang nanawagan ang United Nations ng masusing imbestigasyon sa umano’y paggamit ng labis na dahas ng mga awtoridad.