ROXAS CITY – Sampung investors ng Double your Money Investment Scheme sa lalawigan ng Capiz ang dumulog sa himpilan ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 6 para i-reklamo si Patroceño Don Chiyuto, CEO ng Chiyuto Creative Wealth Document Facilitation Services (CCWDFS).

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Atty. Jeremiah Sargado, Asst. Regional Director ng NBI-Region 6, nagbigay na ng kanilang sworn statement ang nasabing mga investors matapos na hindi binalik ni Chiyuto ang kanilang investment na umaabot sa P50 milyones.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang ilang mga papeles galing sa Securities and Exchange Commission (SEC) bago sampahan ng kaso ang kontrobersiyal na si Chiyuto sa susunod na linggo.

Samantala kabilang sa mga kaso na posibleng isampa kay Chiyuto ay estafa, large scale estafa o syndicated estafa.