Ibinida ng Department of Education (DepEd) ang balitang 57% umano sa mga guro ng pampublikong paaralan sa buong bansa ang nabawasan ang kanilang paperworks.
Mula kasi sa dating 174 na school forms, lima na lamang ang regular na kailangang sagutan ng mga guro.
Dagdag pa rito, 31 forms na lamang ang nakatalaga para sa iba pang mga gawain, at 39 forms para sa mga may kaugnayan sa pagtuturo.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng hakbang na ito ang kapakanan ng mga guro at kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ibinahagi rin ng mga guro ang positibong epekto ng pagbabawas ng mga papeles sa kanilang mga ginagawa.
Samantala, inuulat pa ng ilang guro na lumawak ang kanilang oras para sa collaborative teaching at professional development.
Top