LAOANG NORTHERN SAMAR MAP

TACLOBAN CITY – Nananatiling missing ang dalawa sa apat na mga guro na pinaniniwalaang nalunod sa Laoang island, Laoang, Northern Samar.

Una nito, narekober na ang dalawang bangkay ng dalawang guro na kinilalang sina Artemio Mejos at James Dulay na kapwa mga guro at residente sa naturang bayan.

Samantala patuloy pa ang ginagawang search and rescue operation sa dalawa pang missing na titser na sina Reynaldo Adora at Leonard Adarayan.

Ayon kay Lt. Col. Rafael Tayaban, chief ng Police Community Relations Northern Samar Police Provincial Office, nagkakaroon umano ng picnic ang naturang mga biktima at habang naliligo ang mga ito sa dagat ay bigla namang lumakas ang alon na naging sanhi sa pagkalunod ng mga ito.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang operasyon ng mga otoridad at umaasa ang pamilya ng mga nawawalang biktima na maililigtas pa ng buhay ang kanilang mga kaanak.