-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na maaaring maka-avail ng excused absence o paid leave ang mga gurong nagpositibo sa COVID-19, may sintomas o may contact exposure at kailangang mag-isolate.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ito ay nakasaad sa ilalim ng Department Order 39 na inilabas noong Setyembre 20.

Aniya, ang excused absence means mamarkahan silang absent pero babayaran pa rin sila ng sweldo.

Nakasaad ito sa ilalim ng DepEd Order 39 na base sa CSC (Civil Service Commission) Memorandum Circular Number 2, Series of 2022.