-- Advertisements --

Makakakuha ng P1,000 ang mga guro sa pampublikong paaralan bilang incentive sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month ayon sa Department of Education (DepEd).

Ginawa ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa ang anunsyo sa isang press conference, na sinabing magpapatuloy ang ahensya sa pagbibigay ng insentibo, katulad ng nakaraang administrasyon.

Ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

Binigyang-diin ni Poa ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag-aaral, na nangakong gagawin ng ahensya ang lahat para matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Hindi sila mapapagod na makinig sa mga hinaing ng guro

Aniya, hindi man mabibigyan ng resolusyon overnight o sa mga susunod na linggo ngunit talagang adhikain nila sa Department of Education na matugunan ang kanilang mga suliranin.