-- Advertisements --

Nagmosyon si Senador Rodante Marcoleta, sa plenaryo ng Senado ngayong Miyerkules, Setyembre 10, na ibalik si dating Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez sa kustodiya ng Senado. 

Inilipat kahapon si Hernandez sa PNP Custodial Center. 

Iminungkahi ni Marcoleta na agad na ibalik si Hernandez sa Senado hindi dahil ito ang kondisyong ibinigay sa kanya kundi upang alisin ang pananaw na kapag nandito siya sa Senado ay hindi siya ligtas. 

Una nang pinatawan ng contempt si Hernandez sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee matapos magsinungaling sa kanyang pagsusugal sa Casino. 

Inakusahan si Hernandez na gumamit ng pekeng pagkakakilanlan upang makapasok sa mga casino.