Magpapatupad na ng paghigigpit ang CIDG sa mga bibisita kay Senador Rodante Marcoleta sa PNP-General Hospital.
Ito ay matapos silang masita ng Sandiganbayan dahil sa pagpapahintulot sa pagdalaw ni Vice President Sara Duterte at Senador Robin Padilla sa senador gayong na diagnose ito ng mild pneumonia.
Sinabi ni CIDG NCR PCol. John Guiagui na personal request ni Marcoleta ang pagbisita ni Duterte at Padilla.
Sa dinami-dami umano nang request na makabisita sa senador ay tanging 2 lang ang kanilang pinagbigyan.
Kasunod nito, kanyang sinabi na gagawin nila ang kaukulang restrictions sa mga bumibisita at tanging pamilya at legal team lang ang papayagan nila.
Sakali umanong may personal request ay dadaan muna ito sa CIDG para sa ebalwasyon.
Samantala, hindi pa naman masabi ni Guiagui kung kailan makalalabas ng PNP GH si Marcoleta.
Nakadepende kasi ang paglabas ni Marcoleta sa PNP GH sa medical clearance na ibibigay ng mga doctor.
















