-- Advertisements --

Hindi umano hihilingin ng Senator Rodante Marcoleta ang isang temporary release para lamang makadalo sa pagboto ng 16-vote conviction threshold sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kinakailangan na bumoto ng mga senator-judge kung nais nilang panatilihin o baguhin ang 16 vote requirement, kahit pa apat na senador ang wala, kabilang na si Marcoleta sa nagpapatuloy na impechment trial.

Sa naging pahayag naman nito matapos ang bail hearing sa Sandiganbayan Third Division, sinabi ng senador na hindi siya hihiling ng temporary release para lamang makaboto sa threshold. Sinabi rin nito na walang sinuman ang maaaring magbago ng konstitusyon.

Samantala, kinuwestyon din nito si Senator Francis Escudero bilang presiding officer sa impeachment court. Ayon pa kay Marcoleta na ang Senate President ang siyang marapat na magpreside ng isang impeachment trial.

“They did not take up. I was questioning first of all, the legitimacy of the presiding officer. “The last time I checked, it should be the Senate president who will preside.”

Nahaharap si Marcoleta sa 90-day suspension sa kasong plunder kaugnay sa pagkakasangkot nito sa umano’y pagtanggap sa 75 million pesos campaign donation noong ito ay kasalukuyang party-list representative pa lamang.