-- Advertisements --
Papayagan ng makapasok sa Hong Kong ang mga fully vaccinated na manggagawang Pinoy simula Agosto 30.
Sinabi n Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na makakapasok na ang mga OFW basta ipakita lamang ang kanlang vaccination certificate mula sa Bureau of Quarantine (BOQ).
Nasa 3,000 mga OFW ang makikinabang dahil sa hakbang na ito ng Hong Kong.
Magugunitang hindi pinayagan ng Hong Kong na makapasok ang mga OFW na binakunahan na sa PIlipinas dahil sa kawalan ng unified vaccination cards kaya nagsagawa ng immunization certificate ang BOQ.