-- Advertisements --

Binawasan ng NBA ang mga oras sa exhibition games bago ang pagsisimula ng mga laro sa Walt Disney World complex sa Orlando, Florida.

Bukod kasi sa dating 12-minuto na kada quarters ay gagawin na lamang itong 10 minuto.

Ang pagbabago ay ipapatupad sa unang tatlong exhibition games na lalaruin sa “bubble” games.

Isa sa naging rason dito ay may mga ilang koponan kasi na kulang pa ang kanilang manlalaro at para maiwasan din ang labis na pagkapagod ng mga manalalro matapos na matagal na nahinto ang laro mula noong Marso.

Pagkatapos ang paglalaro ng exhibition games ay nakatakdang magsimula na kanilang mga laro sa Hulyo 30.

Inaayos pa ng NBA kung anong uniporme ang gagamitin nila at kung ilang referee ba ang kanilang kukunin sa bawat laro.