-- Advertisements --

Isang malaking hamon ngayon para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na pagsisimula ng first window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ito ay dahil hindi makakasama ng national basketball team ang isa nilang star player na si Kai Sotto.

Ayon sa kampo ng 23-anyos na si Sotto ay kasalukuyan pa rin itong nagpapagaling ng kaniyang ACL injury sa kaliwang tuhod.

Natamo ni Sotto ang injury noong Enero ngayong taon sa paglalaro niya sa Japan kung kayat kinakailangan pa ng siyam o hanggang isang taon na rehab.

Bilang pamalit kay Sotto ay si Quentin Milora-Brown na darating sa bansa bago ang pormal na pagsisimula ng ensayo ng Gilas sa darating na Nobyembre 18.

Mapapasabak ang ranked 37 na Gilas Pilipinas sa Guam sa darating na Nobyembre 28 at sa Disyembre 1 na gaganapin naman ang laro sa Pilipinas.