-- Advertisements --
Kinailangan pa ng TNT Tropag 5G ang overtime para manalo kontra Terrafirma Dyip 109-95 sa PBA 50th Season Philippine Cup.
Umabot pa sa 16 points ang kalamangan ng Dyip hanggang nahabol ito ng Tropang 5G sa laro na ginanap sa Ynares Center, Rizal.
Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto na ang TNT kasama ang Rain or Shine na kapwa mayroong limang panalo at isang talo.
Hindi naman gaanong natuwa si TNT coach Chot Reyes matapos na lumubo ang kalamangan ng Dyip 51-35 sa third quarter.
Nanguna sa panalo ng TNT si Kelly Williams na nagtala ng 28 points habang mayroong 21 points si RR Pogoy.
Hindi naman umubra ang nagawang 26 points ni Jerrick Ahanmisi para sa Dyip.
















