-- Advertisements --

Inamin ng Malacañang na hindi magiging madali para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedesisyon ng susunod na hakbang pagkatapos ng Abril 30 kung kailan magpapaso na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ilan sa mga ito ay ang pagpapalawig ng ECQ o mas mahigpit pang pagpapatupad ng mga patakaran sa lockdown.

Ayon kay Sec. Roque, kabilang rin ang mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Conception na pagpapatupad na lamang ng modified community quarantine na limitado sa geographical location.

Ibig sabihin nito, ang pagpapatupad ng quarantine ay naka-depende sa taas ng bilang ng COVID-19 positive sa kada lalawigan, bayan at barangay habang maaari ng bawiin ang ECQ sa mga lugar na COVID-free.

Inihayag ni Sec. Roque na kailangang balansehin ni Pangulong Duterte ang kalusugan ng lahat at kabuhayan ng mga Pilipino.

Tiniyak ng Malacañang na ano man ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte, ibabatay ito sa datos, siyensya at rekomendasyon ng mga eksperto.

Kabilang sa mga imbitadong resource persons sa Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting ngayong hapon ang mga dating Health Secretaries gaya nina Rep. Janet Garin, Dr. Esperanza Cabral, Dr. Jaime Galvez Tan, mga health experts na sina Drs. Susan Mercado, Anthony Leachon, Ana Lisa Ong Lim, Marissa Alejandria, Katherine Ann Reyes, Alfredo Mahar Lagmay.

IATF April 20 2

Maliban sa mga miyembro ng gabinete, miyembro ng IATF, kasama rin sa meeting sina Senate Pres. Tito Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano.